Missing the Disappeared By L. Maranan If by chance you were there when it happened I wish you did not shut your eyes as you would when lightning strikes I would want you to remember how he looked How he reached out in silent horror for you to Memorize details of the moment Because he knew it would come to this Searching is a giant question mark That hooks the nerves and curses the dark and unknown It cannot be that he remains just a name With a fact sheet attached He has to be somewhere breathing reaching For the chance to be with us again. Open Door: for James Balao By Cheryl Chyt Daytec-Yangot
I keep looking toward an open door In the prayers of the multitude- The peasants, students, lawyers, Teachers, workers, friends Searching every corner for you But the torrent of angry typhoons Dissolves hope so tenuous in its tears Yesterday, the sun was shining bright Your friends came. We brewed rice wine In your grandfather’s prized Ming jar Our ancestors drank tapuy to celebrate The old rice is very red, almost violet- the ones from Kalinga you always liked We looked at your old photos, writings Remembered your words, your passions Your love for truth, justice, equity, honor Alas, I woke up this morning To the sound of strong rain hammering on the roof Droplets of rain are wetting our creaking floor From the hole you did not patch last month You missed that or planned to patch it later? I sit by the window hoping the rain peters out And sunshine crawls its way inside your room The radio just announced that six miners Trapped inside tunnels gave up the ghost But ten conquered death, shaming the typhoon A lot of work still needs to be done My son, the door you left without a word is open It will remain open until you return. Alay kay James Balao Ni Manuel Na-oy Bukang liwayway, bagong pag-asa, bagong buhay! Buo ang isip at buhay ang kalamnan sa lumipas na magdamag! Di mahagilap ang pagtulog sa bigat ng dibdib at walang hanggang pag-aalala Dinig sampu ng mga hininga, ng inang ayaw panawan ng masidhing damdaming Masilayan ang dugo't laman na iniluwal sa liwanag ng buhay! Ang katawang pagal ay ayaw sumuko sa bawat lumilipas na sandali Sumisidhi ang dagundong ng dibdib na bumuhay sa anak na uliran Di alintana ang bawat kasinungalingan ng mga bwitreng animo'y mga walang inang Naghihintay na masilayan ang murang mukha ng minamahal na anak. Tahan na ina, at taas nuong iwaglit ang bangungot na sumasaklaw Sa ala-ala ng mahal na anak dahil ito'y pinawi na ng di mabilang na mga kamay Ng mga kapwang mapagpalang budhi at pusong nagmamahal sa bawat kalayaan Ng mga anak ng bayang walang takot at tigil sa harap ng tiyak na patutungohan! Katulad ng inang ayaw panawan ng masidhing pag-aalala sa anak niyang Hinubog sa mapagpalang kamay at diwa ng katarunga't kalayaan ng mga Nakararaming mga inakay na patuloy na kinukopkop laban sa mga kaaway ng bayan. Ikaw ang ama, ang humubog sa anak na nag-alay ng buhay sa bayan at kapwa. Itindig ang mga paa, mga magulang na uliran Pagmasdan ang bawa't pagsapit ng dilim, dahil ang dilim ay pangako ng Isang maaliwalas na bukang liwayway sa dakong silangan! Liwanag na siyang magsisilbing gabay sa katotohanan o kasinungalingan. Bukang liwayway, bagong pag-asa, bagong buhay! Ito ang hinahangad ng bawat taong ayaw panawan ng pagkamakabayan! Sa lipunang dinarambong ng mga palalo sa paglapastangan ng Karapatang pantao na siyang biyaya sa bawat nilalang. Tahan na ama't ina, at ang anak na iniluwal sa liwanag ng buhay Ay nandito ngayon sa 'yong harapan dala ang pangakong itutuloy Ang laban sa mga kapwang walang alintana sa mga taong gustong masilayan ang Bukang liwayway, bagong pag-asa, bagong buhay!
|